Ezekiel 20:21-23
Ang Biblia (1978)
21 Nguni't (A)ang mga anak ay nanganghimagsik laban sa akin; sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o nangagingat man ng aking mga kahatulan upang isagawa, na kung gawin ng tao ay mabubuhay sa mga yaon: kanilang nilapastangan ang aking mga sabbath. Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila, upang ganapin ang aking galit sa kanila sa ilang.
22 Gayon ma'y iniurong ko ang aking kamay, gumawa ako alang-alang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay inilabas ko sila.
23 Bukod dito'y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang pangalatin ko (B)sila sa gitna ng mga bansa, at panabugin sila sa mga lupain;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978