Font Size
Ezekiel 20:41-43
Ang Biblia (1978)
Ezekiel 20:41-43
Ang Biblia (1978)
41 Parang masarap na amoy na tatanggapin ko kayo, pagka kayo'y aking naihiwalay sa mga bayan, at napisan ko kayo mula sa mga lupain na inyong pinangalatan; at (A)ako'y ipaari ninyong banal sa paningin ng mga bansa.
42 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka kayo'y aking ipapasok sa lupain ng Israel, sa lupain na aking pinagtaasan ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga magulang.
43 At doo'y maaalaala (B)ninyo ang inyong mga lakad, at lahat ng inyong gawa, na inyong pinagpakadumhan; (C)at inyong kayayamutan ang inyong sarili sa inyong sariling paningin dahil sa lahat ninyong kasamaan na inyong ginawa.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978