Font Size
Ezekiel 21:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 21:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Tabak ng Hari ng Babilonia
18 Sinabi pa sa akin ni Yahweh, 19 “Ezekiel, anak ng tao, gumawa ka ng magkasangang landas na siyang dadaanan ng hari ng Babilonia na taglay ang kanyang tabak. Ang puno nito ay magbubuhat sa isang bayan lamang. Maglagay ka ng palatandaan sa lugar na pinaghiwalayan ng dalawang daan; 20 ang isa ay patungo sa Lunsod ng Rabba, sa Ammon at ang isa ay sa Juda, sa nakukutaang Lunsod ng Jerusalem.
Read full chapter