Font Size
Ezekiel 23:18-20
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 23:18-20
Ang Biblia, 2001
18 Nang ipagpatuloy niya nang hayagan ang kanyang mga pagpapakasama, at inilitaw niya ang kanyang kahubaran, may pagkainis akong lumayo sa kanya, gaya ng pagtalikod ko sa kanyang kapatid.
19 Gayunma'y kanyang pinarami ang kanyang pagiging bayarang babae,[a] at inalaala ang mga araw ng kanyang kabataan, nang siya'y naging bayarang babae[b] sa lupain ng Ehipto.
20 Siya'y nahumaling sa kanyang mga kalaguyo roon, na ang laman ay parang laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang ang lumalabas sa mga kabayo.
Read full chapterFootnotes
- Ezekiel 23:19 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
- Ezekiel 23:19 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .