Ezekiel 24:21-23
Ang Biblia (1978)
21 Salitain mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (A)aking lalapastanganin ang aking santuario, na kapalaluan ng inyong kapangyarihan, na nasá ng inyong mga mata, at kinahihinayangan ng inyong kalooban, at ang (B)inyong mga anak na lalake at babae na inyong iniwan sa hulihan ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak.
22 At inyong gagawin ang aking ginawa; hindi ninyo tatakpan ang inyong mga labi, o kakain man ng tinapay ng mga tao.
23 At ang inyong turbante ay malalagay sa inyong mga ulo, at ang inyong mga panyapak sa inyong mga paa: kayo'y hindi tatangis o iiyak man; kundi (C)kayo'y manganglulupaypay sa inyong mga kasamaan, at mangagdadaingang isa't isa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978