Add parallel Print Page Options

Ilahad mo ang isang talinghaga tungkol sa mapaghimagsik na bayan ng Israel. Sabihin mong ito ang ipinapasabi ni Yahweh:

Magsalang ka ng palayok at punuin ng tubig.
Ilagay rito ang mga piling bahagi,
    ang hita at pitso,
    at punuin din ng maiinam na butong lagain.
Kunin ang karneng ito sa piling tupa;
    isalang at gatungan.
Pakuluan nang pakuluan ang mga laman at butong ito.”

Read full chapter