Add parallel Print Page Options

Ang Pahayag Laban sa mga Filisteo

15 “Ganito(A) ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat ang mga Filisteo ay gumawa ng paghihiganti, at naghiganti na may masamang hangarin ng puso upang mangwasak na may walang hanggang pagkagalit;

16 kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Aking iuunat ang aking kamay laban sa mga Filisteo, at aking tatanggalin ang mga Kereteo, at wawasakin ko ang nalalabi sa baybaying-dagat.

17 Ako'y maglalapat ng matinding paghihiganti sa kanila na may mabangis na pagpaparusa. At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, kapag aking isinagawa ang aking paghihiganti sa kanila.”

Read full chapter