Add parallel Print Page Options

Ang panaghoy sa hari sa Tiro.

11 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

12 Anak ng tao, (A)panaghuyan mo ang hari sa Tiro, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (B)iyong tinatatakan ang kabuoan, na puno ng karunungan, at sakdal sa kagandahan.

13 Ikaw ay nasa Eden, (C)na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.

Read full chapter