Font Size
Ezekiel 28:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 28:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Sa iyo ngang nalalaman sa larangan ng kalakal, patuloy na lumaki ang iyong kayamanan. Dahil dito, naging palalo ka. 6 Kaya naman ito ang ipinapasabi ng Diyos na si Yahweh: Pagkat pilit mong ipinapantay sa Diyos ang sarili, 7 ipapalusob kita sa pinakamalupit na kaaway sa daigdig. Wawasakin nila ang lahat ng ari-arian mo na pawang kinamtan sa tusong pamamaraan.
Read full chapter