Add parallel Print Page Options

Sasalakayin ang Egipto at maghihirap ang Etiopia.[a] Maraming mamamatay na taga-Egipto, sasamsamin ang mga kayamanan nila at wawasakin ito. Sa digmaang iyon, mapapatay ang maraming taga-Etiopia, Put, Lydia, Arabia, Libya at iba pang mga bansang kakampi ng Egipto. Ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing, mapapahamak ang mga kakampi ng Egipto at mababalewala ang ipinagmamalaki niyang kapangyarihan. Mamamatay ang mga mamamayan niya mula sa Migdol hanggang sa Aswan.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 30:4 Etiopia: sa Hebreo, Cush. Ganito rin sa talatang 5 at 9.
  2. 30:6 Aswan: o, Seyene.