Font Size
Ezekiel 33:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 33:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Kasamaan ng mga Tao
23 Sinabi sa akin ni Yahweh, 24 “Ezekiel, anak ng tao, sinasabi ng mga naninirahan sa wasak na lunsod ng Israel na nag-iisa si Abraham nang ibigay sa kanya ang lupaing ito. Ngayong marami na sila ay kanila na ang lupaing iyon. 25 Sabihin mong ipinapasabi ko: Kumain kayo ng karneng may dugo, sumamba sa mga diyus-diyosan, at pumatay ng tao; sa kabila ba nito'y inaasahan pa ninyong mapapasa-inyo ang lupaing ito?
Read full chapter