Add parallel Print Page Options

Sinoman ngang makarinig (A)ng tunog ng pakakak, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, (B)ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo.

Narinig niya ang tunog ng pakakak, at hindi pinansin; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya; sapagka't kung siya'y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay.

Nguni't kung makita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya'y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, (C)ngunit ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay.

Read full chapter