Add parallel Print Page Options

20 At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo (A)sa harap ng kanilang mga mata.

21 At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (B)aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain:

22 At gagawin ko (C)silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; (D)at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian;

Read full chapter