Add parallel Print Page Options

21 At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (A)aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain:

22 At gagawin ko (B)silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; (C)at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian;

23 At hindi na naman mapapahamak pa sila (D)ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko (E)sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios.

Read full chapter