Add parallel Print Page Options

25 At (A)sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, (B)magpakailan man: at si David na (C)aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.

26 Bukod dito'y makikipagtipan ako ng (D)tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario (E)sa gitna nila magpakailan man.

27 Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.

Read full chapter