Ezekiel 38:11-13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
11 Sasabihin mong, ‘Sasalakayin ko ang Israel na ang mga bayan ay walang pader, pintuan o harang at ang mga mamamayan ay payapang namumuhay at walang kinatatakutang panganib. 12 Sasamsamin ko ang mga ari-arian ng mga lungsod na ito na dating mapanglaw, ngunit ngayon ay puno na ng tao mula sa ibaʼt ibang bansa. Marami ang hayop nila at ari-arian, at itinuturing nila na pinakapangunahing bansa sa daigdig ang bansa nila.’
13 “Pero sasabihin sa iyo ng mga taga-Sheba at Dedan, at ng mga mangangalakal sa mga bayan ng Tarshish, ‘Tinipon mo ba ang iyong mga sundalo para samsamin ang mga pilak at ginto ng mga taga-Israel? Sasamsamin mo rin ba ang kanilang mga hayop at ari-arian?’
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®