Add parallel Print Page Options

(A)Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha (B)sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa (C)Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya,

At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:

At aking ipipihit ka sa palibot, (D)at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak:

Read full chapter