Add parallel Print Page Options

(A)Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila; silang lahat na may kalasag at turbante;

(B)Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni (C)Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo.

Humanda ka, oo, humanda ka, ikaw, at ang lahat ng iyong mga pulutong na napisan ko sa iyo, at maging bantay ka sa kanila.

Read full chapter