Font Size
Ezekiel 41:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 41:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Silid na Nakadikit sa Pader
5 At sinukat din niya ang panloob na pader ng templo. Ang kapal nito ay tatlong metro. Sa pader na ito na nakapaligid sa templo ay may sunud-sunod na mga silid na tig-dadalawang metro ang luwang. 6 Tatlong palapag ang mga silid, bawat palapag ay may tatlumpung silid. Ang pader ng palapag sa itaas ay manipis kaysa nasa ibaba pagkat sa gilid ng pader nakasalalay ang bawat palapag. 7 Sa labas ng mga silid na ito ay may malapad na hagdanang nakadikit sa pader at siyang daanan papunta sa mga palapag. Kung tingnan sa labas ay waring pareho ang kapal ng pader mula sa ibaba hanggang sa itaas. Ngunit sa loob, ang itaas na palapag ay maluwang kaysa sumusunod na palapag.
Read full chapter