Add parallel Print Page Options

22 Hindi(A) sila mag-aasawa ng babaing balo, o ng babaing hiwalay sa asawa, kundi sa isang birhen lamang sa lahi ng sambahayan ni Israel, o sa babaing balo na nabalo sa pari.

23 Kanilang(B) ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan, at ituturo sa kanila kung paano bibigyan ng pagkakaiba ang marumi at malinis.

24 Sa isang pagtatalo ay tatayo sila bilang mga hukom, at hahatulan nila iyon ayon sa aking mga hatol. Kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga tuntunin sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga Sabbath.

Read full chapter