Font Size
Ezekiel 45:22-24
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 45:22-24
Ang Biblia, 2001
22 Sa araw na iyon ay maghahanda ang pinuno para sa kanya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro bilang handog pangkasalanan.
23 Sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na sinusunog ang Panginoon, pitong guyang toro at pitong lalaking tupa na walang kapintasan sa araw-araw sa loob ng pitong araw; at isang lalaking kambing araw-araw bilang handog pangkasalanan.
24 Siya'y maghahanda ng handog na butil, ng isang efa sa isang toro, at ng isang efa sa isang lalaking tupa, at isang hin ng langis sa isang efa.
Read full chapter