Font Size
Ezekiel 45:23-25
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 45:23-25
Ang Biblia, 2001
23 Sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na sinusunog ang Panginoon, pitong guyang toro at pitong lalaking tupa na walang kapintasan sa araw-araw sa loob ng pitong araw; at isang lalaking kambing araw-araw bilang handog pangkasalanan.
24 Siya'y maghahanda ng handog na butil, ng isang efa sa isang toro, at ng isang efa sa isang lalaking tupa, at isang hin ng langis sa isang efa.
25 Sa(A) ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, at sa loob ng pitong araw ng kapistahan, gagawin niya ang gayunding paghahanda para sa handog pangkasalanan, handog na sinusunog, at handog na butil, at para sa langis.
Read full chapter