Font Size
Ezekiel 45:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 45:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Para sa Dakong Kabanal-banalan, susukat kayo ng 12.5 kilometro ang haba at limang kilometro ang luwang. 4 Ito ang pinakatanging lugar ng lupain at siyang mauukol sa mga paring maglilingkod sa templo, sa harapan ni Yahweh; ito ang magiging tirahan nila at tayuan ng templo. 5 Isa pang lote na 12.5 kilometro ang haba at 5 kilometro ang luwang ay para naman sa mga paring maglilingkod sa kabuuan ng templo.
Read full chapter