Ezekiel 48:9-11
Ang Biblia (1978)
9 Ang alay na inyong ihahandog sa Panginoon ay magiging dalawang pu't limang libong tambo ang haba, at sangpung libo ang luwang.
10 At magiging sa mga ito, sa makatuwid baga'y sa mga saserdote, ang banal na alay; sa dakong hilagaan ay dalawang pu't limang libo ang haba, at sa dakong kalunuran ay sangpung libo ang luwang, at sa dakong silanganan ay sangpung libo ang luwang, at sa dakong timugan ay dalawang pu't limang libo ang haba: at ang santuario ng Panginoon ay maglalagay sa gitna niyaon.
11 Ito'y magiging sa mga saserdote na mga pinapaging banal (A)sa mga anak ni Sadoc, (B)na nagsisiganap ng katungkulan sa akin na hindi nangagpakaligaw nang mangagpakaligaw ang mga anak ni Israel, na gaya (C)ng mga Levita na nangagpakaligaw.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978