Add parallel Print Page Options

At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at (A)sa mga burol, (B)sa mga batis at (C)sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid baga'y ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at (D)aking sisirain ang inyong mga mataas na dako.

At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at (E)aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan.

At aking ilalapag ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harap ng kanilang mga diosdiosan; at aking ikakalat ang inyong mga buto sa palibot ng inyong mga dambana.

Read full chapter