Ezekiel 7:19-21
Ang Biblia (1978)
19 Kanilang ihahagis ang kanilang pilak sa mga lansangan, at ang kanilang ginto ay magiging parang isang maruming bagay; ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng poot ng Panginoon: hindi nila maaaliw ang kanilang mga kaluluwa, o mabubusog man ang kanilang mga tiyan; sapagka't naging (A)katitisuran ng kanilang kasamaan.
20 Tungkol sa ganda ng kaniyang gayak, inilagay niya sa kamahalan; nguni't (B)kanilang ginawang mga larawan ang kanilang mga kasuklamsuklam at karumaldumal na mga bagay: kaya't ginawa ko sa kanila na parang maruming bagay.
21 At aking ibibigay sa mga kamay ng mga taga ibang lupa na pinakahuli, at sa mga masama sa lupa na pinakasamsam; at kanilang (C)lalapastanganin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978