Ezekiel 8:1-3
Ang Biblia (1978)
Ang pangitain ng kasuklamsuklam na Jerusalem.
8 At nangyari nang ikaanim na taon, nang ikaanim na buwan, nang ikalima ng buwan, ako'y nakaupo sa aking bahay, at (A)ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko, na ang kamay ng Panginoong Dios ay (B)dumating sa akin doon.
2 Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; (C)mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal (D)na nagbabaga.
3 At kaniyang (E)inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako (F)ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako (G)sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem, sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan; (H)na kinaroroonan ng upuan (I)ng larawan ng panibugho, (J)na namumungkahi sa paninibugho.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978