Font Size
Ezra 3:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezra 3:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Nagsagutan(A) sila sa pag-awit ng mga papuri at pasasalamat kay Yahweh. Ito ang kanilang inawit:
“Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan!
Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”
Malakas na isinigaw ng lahat ng tao ang kanilang papuri kay Yahweh sapagkat ang pundasyon ng Templo ni Yahweh ay inilagay na. 12 Marami(B) sa matatandang pari, Levita at pinuno ng mga angkan na nakakita sa unang templo ang umiyak nang malakas habang sinasaksihan ang paglalagay ng pundasyon ng bagong Templo. Marami ring tao ang sumigaw nang may kagalakan. 13 Dahil dito'y hindi na malaman kung alin ang sigaw ng kagalakan at alin ang sigaw ng pag-iyak sapagkat ang ingay ng mga tao ay napakalakas at dinig sa malayo.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC)
By Philippine Bible Society