Add parallel Print Page Options

15 Marahil nahiwalay siya sa iyo nang saglit upang sa kanyang pagbabalik ay hindi na kayo magkahiwalay pang muli. 16 Kahit na alipin mo siya, isa na rin siyang minamahal na kapatid. Napamahal siya sa akin, at lalo na sa iyo, ngayong hindi mo lang siya alipin kundi kapatid pa sa Panginoon.

17 Kaya kung itinuturing mo akong kamanggagawa[a] sa Panginoon, tanggapin mo siya na parang ako ang iyong tinatanggap.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:17 kamanggagawa: o, kapwa mananampalataya.