Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat tayo ang nasa pagtutuli, tayo na mga sumasamba sa Diyos sa Espiritu at mga nagmamalaki dahil kay Cristo Jesus, at hindi nagtitiwala sa gawa ng tao. Bagaman ako ay maaari ding magtiwala sa gawa ng tao.

Kung sinuman ay mag-aakala na siya ay may dahilan upang magtiwala sa gawa ng tao, lalo na ako.

Tinuli ako sa ika-walong araw. Ako ay nanggaling sa lahi ng Israel,mula sa lipi ni Benjamin. Ako ay isang Hebreong nagmula sa mga Hebreo. Kung ang pag-uusapan ay patungkol sa kautusan, ako ay isang Fariseo.

Read full chapter