Add parallel Print Page Options

Nakikiusap ako kina Eudia at Syntique, na magkasundo na sila bilang magkapatid sa Panginoon. At nakikiusap din ako sa iyo, tapat kong kasama sa pangangaral, na tulungan mo ang mga babaeng ito. Sapagkat katulong ko sila sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama nina Clement at ng iba ko pang kamanggagawa na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay.[a]

Magalak kayong lagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:3 aklat ng buhay: Dito nakasulat ang pangalan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan.