Add parallel Print Page Options

10 Ang tao ba o ang Diyos ang nais kong bigyan ng lugod? Hangad ko ba ang pagsang-ayon ng tao? Sapagkat kung ang hangad ko ay bigyang-lugod pa rin ang mga tao, hindi na sana ako naging alipin pa ni Cristo!

Ang Pagkatawag kay Pablo

11 Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ebanghelyong aking ipinangangaral ay hindi ayon sa tao. 12 Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng tao. Ito ay ipinahayag sa akin mismo ni Jesu-Cristo.

Read full chapter