Add parallel Print Page Options

14 Ito ay upang ang pagpapalang ibinigay ng Diyos kay Abraham ay dumating sa mga Gentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ito ay upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay matanggap natin ang ipinangakong Espiritu.

Ang Kautusan at ang Pangako

15 Mga kapatid, ako ay nagsasalita ayon sa pananalita ngtao. Kahit na ito ay tipan lamang ng tao, kung ito ay pinagtibay, walang sinumang nagpapawalang-bisa o nagdadagdag nito.

16 Ngunit ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang binhi. Hindi sinabi: Sa mga maraming binhi. Sa halip, ay sa iisa sinabi: At sa iyong binhi, at ang binhing iyan ay si Cristo.

Read full chapter