Add parallel Print Page Options

Ngayon ay sinasabi: Habang ang tagapagmana ay bata pa, wala siyang pagkakaiba sa isang alipin, bagaman siya ay panginoon ng lahat. Subalit siya ay nasa ilalim pa ng mga tagapag-alaga at mga katiwala hanggang sa panahong unang itinakda ng ama. Gayundin naman tayo nang tayo ay mga sanggol pa, tayo ay mga alipin sa ilalim ng mga pangunahing aral ng sanlibutan.

Read full chapter