Font Size
Gawa 13:10-12
Ang Salita ng Diyos
Gawa 13:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Sinabi niya: O ikaw na anak ng diyablo, puno ka ng lahat ng pandaraya at ng lahat ng panlilinlang. Ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka ba titigil sa paglihis ng mga daang matuwid ng Panginoon? 11 At ngayon, narito, ang kamay ng Panginoon ay nasa iyo. Mabubulag ka at hindi mo makikita ang araw sa ilang panahon.
Kaagad na nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang kadiliman. Siya ay lumibot na naghahanap ng aakay sa kaniya.
12 Nang magkagayon, nang makita ng gobernador ang nangyari, sumampalataya siya. At lubos silang namangha sa katuruan ng Panginoon.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International