Add parallel Print Page Options

Sinabi niya sa kanila: Tinanggap ba ninyo ang Banal na Espiritu nang sumampalataya kayo?

Sinabi nila sa kaniya: Hindi man lang namin narinig na may Banal na Espiritu.

Sinabi niya: Kung gayon, anong bawtismo ang tinanggap ninyo?

Sinabi nila: Ang bawtismo ni Juan.

Sinabi ni Pablo: Nagbawtismo nga si Juan ng bawtismo ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga tao na sila ay dapat sumam­palataya sa kaniya na darating sa hulihan niya, samakatuwid ay si Jesus na siyang Mesiyas.

Read full chapter