Add parallel Print Page Options

16 Ang pangyayaring itoʼy katuparan ng ipinahayag ni propeta Joel noon:

17 ‘Sinabi ng Dios, “Sa mga huling araw, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng uri ng tao.
    Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng aking mga salita;
    ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain;
    at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
18 Oo, sa mga araw na iyon, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga lingkod na lalaki at babae, at ipapahayag nila ang aking mga salita.

Read full chapter