Add parallel Print Page Options

Iniharap nila ang mga ito sa mga apostol. Pagkatapos manalangin, ipinatong ng mga apostol ang kanilang mga kamay sa kanila.

Lumago ang salita ng Diyos at lubhang dumami ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem. Malaking karamihan ng mga saserdote ang tumalima sa pananampalataya.

Hinuli Nila si Esteban

Si Esteban ay puspos ng pananampalataya at kapang­yarihan. Siya ay gumawa ng mga dakilang kamangha-manghang gawa at dakilang mga tanda sa kalagitnaan ng mga tao.

Read full chapter