Add parallel Print Page Options

at humingi ng mga sulat na ipapakita niya sa mga sambahan ng mga Judio sa Damascus bilang katibayan na binibigyan siya ng kapangyarihang hulihin at dalhin sa Jerusalem ang sinumang makikita niya roon na sumusunod sa pamamaraan ni Jesus,[a] lalaki man ito o babae.

Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damascus, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:2 sumusunod sa pamamaraan ni Jesus: Ang ibig sabihin, sumasampalataya kay Jesus.