Add parallel Print Page Options

12 At dinala nila si Lot, na (A)anak ng kapatid ni Abram, na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pagaari at (B)sila'y nagsiyaon.

Si Lot ay iniligtas ni Abram.

13 At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; (C)na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga (D)ito ay kakampi ni Abram.

14 At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang (E)kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa (F)Dan.

Read full chapter