Add parallel Print Page Options

Si Lot ay iniligtas ni Abram.

13 At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; (A)na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga (B)ito ay kakampi ni Abram.

14 At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang (C)kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa (D)Dan.

15 At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.

Read full chapter