Add parallel Print Page Options

39 Kaya't sinabi ko sa aking panginoon, ‘Baka hindi sumama sa akin ang babae!’

40 At sinabi niya sa akin, ‘Ang Panginoon, na lagi kong sinusunod[a] ay magsusugo ng kanyang anghel upang makasama mo, at kanyang pagpapalain ang iyong lakad, at ikukuha mo ng asawa ang aking anak mula sa aking mga kamag-anak at sa angkan ng aking ama.

41 Makakalaya ka sa aking sumpa, kapag ikaw ay dumating sa aking mga kamag-anak; kahit hindi nila ibigay sa iyo ang babae ay makakalaya ka sa aking sumpa.’

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 24:40 Sa Hebreo ay sa harap niya ay lumalakad ako .