Add parallel Print Page Options

12 Sinabi ng lalaki, “Ang babaing ibinigay mo na aking makakasama ang nagbigay sa akin ng bunga ng punungkahoy at ito'y aking kinain.”

13 Sinabi(A) ng Panginoong Diyos sa babae, “Ano itong iyong ginawa?” Sinabi ng babae, “Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain.”

Ang Diyos ay Naggawad

14 Sinabi ng Panginoong Diyos sa ahas,

“Sapagkat ginawa mo ito
    ay isinumpa ka nang higit sa lahat ng hayop,
    at nang higit sa bawat mailap na hayop sa parang;
ang iyong tiyan ang ipanggagapang mo,
    at alabok ang iyong kakainin
    sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.

Read full chapter