Font Size
Genesis 33:16-18
Ang Biblia (1978)
Genesis 33:16-18
Ang Biblia (1978)
16 Gayon nagbalik si Esau ng araw ding yaon sa kaniyang lakad sa Seir.
17 At si Jacob ay naglakbay sa (A)Succoth, at nagtayo ng isang bahay para sa kaniya, at iginawa niya ng mga balag ang kaniyang hayop: kaya't tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Succoth.
Siya'y nagpunta sa Sichem.
18 At dumating si Jacob na payapa sa bayan ng (B)Sichem, na nasa lupain ng Canaan, nang siya'y manggaling sa Padan-aram; at siya'y humantong sa tapat ng bayan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
By Philippine Bible Society