Add parallel Print Page Options

16 Kaya bumalik na lang si Esau sa Seir nang mismong araw na iyon. 17 Pero sina Jacob ay pumunta sa Sucot. Pagdating nila roon, gumawa si Jacob ng tirahan at ginawaan din niya ng silungan ang mga hayop niya. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Sucot.[a]

18 Hindi nagtagal, nakarating din sila sa Canaan mula sa Padan Aram[b] na walang masamang nangyari sa kanila. Nakarating sila sa lungsod na pagmamay-ari ni Shekem. Nagpatayo sila ng mga tolda nila malapit sa lungsod.

Read full chapter

Footnotes

  1. 33:17 Sucot: Ang ibig sabihin, silungan.
  2. 33:18 Padan Aram: Tingnan ang 28:2.