Add parallel Print Page Options

Nakarating sila Jacob at ang mga kasama niya sa Luz (na tinatawag ding Betel) doon sa Canaan. Gumawa siya roon ng altar. Tinawag niya ang lugar na iyon na El Betel[a] dahil nagpakita sa kanya roon ang Dios nang tumakas siya sa kanyang kapatid na si Esau.

Namatay si Debora na tagapag-alaga ni Rebeka. Kaya inilibing siya sa ilalim ng punongkahoy na terebinto na nasa paanan ng Betel. Tinawag iyon na punongkahoy na Allon Bacut.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 35:7 El Betel: Ang ibig sabihin, Dios ng Betel.
  2. 35:8 Allon Bacut: Ang ibig sabihin, terebinto na iniyakan.