Font Size
Genesis 38:27-29
Magandang Balita Biblia
Genesis 38:27-29
Magandang Balita Biblia
27 Dumating ang panahon ng panganganak ni Tamar at natuklasang kambal ang kanyang isisilang. 28 Sa oras ng kanyang panganganak, lumabas ang kamay ng isa at ito'y tinalian ng hilot ng pulang sinulid upang makilala ang unang inianak. 29 Ngunit iniurong ng sanggol ang kanyang kamay at naunang lumabas ang kanyang kakambal. Sinabi ng hilot, “Ano't nakipagsiksikan kang palabas?” Dahil dito, Fares[a] ang ipinangalan sa bata.
Read full chapterFootnotes
- Genesis 38:29 FARES: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “nakipagsiksikang palabas”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.