Add parallel Print Page Options

(A)At si Jose ang tagapamahala sa lupain; siya ang nagbibili ng trigo sa lahat ng mga tao sa lupain: at nagsidating ang mga kapatid ni Jose (B)at nangagpatirapa sa kaniya, na ang kanilang mga mukha ay pasubasob.

At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at kaniyang nangakilala, datapuwa't siya'y nagkunwaring iba sa kanila, at sila'y kinausap niya ng magilas; at sinabi sa kanila, Saan kayo nagsipanggaling? At sinabi nila, Sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain.

At nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, datapuwa't hindi nila siya nakilala.

Read full chapter