Add parallel Print Page Options

14 At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na (A)pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay; sapagka't si Manases ang panganay.

15 At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, (B)Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito,

16 (C)Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; (D)at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; (E)at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa.

Read full chapter