Genesis 48:15-17
Ang Biblia (1978)
15 At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, (A)Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito,
16 (B)Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; (C)at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; (D)at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa.
17 At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang (E)kamay sa ulo ni Ephraim, ay minasama niya; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama, upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978